Sunday, 8 February 2009

PIA Dispatch - Friday, February 6, 2009

Bilang ng mga sumusukong MILF rebels, nadagdagan - pwersa ng gobyerno sa Sulu, lumalakas

Patuloy na humihina ang pwersa ng mga rebeldeng miyembro ng Moro Islamic Liberation Front o MILF, matapos sumuko ang anim nilang miyembro sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas nitong linggong ito.

Pinangalanan ni AFP Public Affairs Chief Lt. Col. Ernesto Torres, ang anim na sumuko na sina Cosain Asis, Usman Mipangcat, Abdul Mosis, Asad Mosis, Naga Buatan at Abolcair Maded.

Ang mga ito ay ang pinaka malalapit na tauhan ni MILF Front Commander Abdurahman Macapaar, na kilala rin bilang Commander Bravo. Isinuko rin ng anim ang kanilang mga hawak na matataas na kalibre ng armas.

Ayon kay Torres, ang ginawang pagsuko ng anim ay isang malaking dagok sa kilusan ng MILF.

Kaakibat sa ginagawang pagtugis ng military sa mga rebeldeng MILF ay ang pagsusulong ng Pamahalaang Arroyo ng Usaping Pangkapayapaan sa Mindanao. Naniniwala ang Pangulo na sa paraang ito ay masisiguro hindi lamang ang pag-unlad ng ekonomiya ng probinsiya, kundi pati na rin ang hinahangad na pagtaas ng antas ng kabuhayan ng lahat mamamayan duon, Muslim man o Kristiano.


Saudi, interesadong palawakin ang mamumuhunan sa Pilipinas

Nagpahayag ang Hari ng Saudi Arabia, na si King Abdullah, ng kanyang interes na mamuhunan sa Pilipinas.

Ito ay matapos ng matagumpay na pagbisita ni Pangulong Gloria Macapagal – Arroyo sa bansang Saudi Arabia upang dumalo sa ginanap na Gulf Cooperation Council.

Ayon kay Agriculture Secretary Arthur Yap ay napagtibay ni Pangulong Arroyo ang kredibilidad ng Pilipinas sa paningin ng ating mga economic partners sa kahariaan ng Saudi. Dahil dito ay lalo pang lumalim ang kanilang pagtitiwala sa gobyerno ng Pilipinas.

Ayon pa kay Yap, magpapadala ang gobyerno ng Saudi ng isang inter-agency committee sa Pilipinas upang palawakin ang kanilang pamumuhunan sa ating bansa.

Layon nilang palakihin ang dami ng kanilang inaangkat na gulay, prutas at livestock para sagutin ang lumalaking pangangailangan ng kanilang bansa.


Inflation rate sa Pilipinas pinakamababa sa loob ng 10-buwan

Patuloy na bumababa ang inflation rate sa Pilipinas: mula sa 12.5 nuong Agosto nang nakaraang taon, ito ngayon ay nasa 8.0 percent lamang pagpasok ng Pebrero.

Tinatayang nasa 7.1 percent average lamang ang itinataas ng basic consumer prices.

Ang mga presyo naman ng pagkain at enerhiya ay naglalaro lamang sa 6.9 percent nitong Enero, mula sa 7.3 percent nuong Disyembre ng nakaraang taon.

Naniniwala ang marami na ito ay bunga ng mga Economic Reforms na pinatutupad ng gobyernong Arroyo.

Batay sa pahayag ni BSP Governor Amando Tetangco Jr., inaasahan patuloy pang bababa ang Inflation Rate ng bansa sa mga darating na buwan.


Presyo ng kuryente inaasahang bababa ulit ngayong buwan

Bababa ulit ng limang sentimo kada kilowatt-hour ang sisingilin ng Meralco sa kanilang mga consumers simula ngayong Pebrero. Ito na ang pangalawang pagbaba ng presyo ng kuryente sa loob ng taong ito.

Ito ay matapos ang nauna nang pagbaba ng 7.9 centavos na ipinatupad ng Meralco sa kanilang Metro-Manila generation charge nito lamang Enero ng kasalukuyang taon.

Sa naging panayam kay Meralco vice president and utility economics head Ivanna de la Peña, ang pagbaba sa presyo ng kuryente ay dahil sa patuloy na pagbaba ng Wholesale Electricity Spot Market, o WESM, sa Metro-Manila.

Idinagdag pa niya na ang mababang halaga ng WESM ay nakatulong upang pigilan ang Napocor sa pagtataas ng presyo ng kanilang generation rate.

Matatandaan na ipinangako ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na pabababain ang presyo ng elektrisidad upang panatilihing regionally competitive ang manufacturing process sa bansa.


PGMA pushes for passage of veterans equity bill while in Washington DC

President Gloria Macapagal-Arroyo met with some senators of the United States to once again personally promote the interests of Filipino WWII veterans.

From Davos, Switzerland where she attended the World Economic Forum and a brief stop in Milan, Italy, Saudi Arabia and Bahrain to check on the plight of Filipino workers there as well as invite investors and look for more jobs for Filipinos, the President made a side trip to the US capital city to attend the 59th National Prayer Breakfast upon the invitation of some US legislators.

Deputy Presidential Spokesperson Lorelei Fajardo said the President met with US Senate Veterans Affairs Committee Chair Hawaii Senator Daniel Akaka to discuss the fate of the Veterans Equity Bill.

In June last year during her working visit to Washington DC, the President met with members of the US House of Representatives and urged them to pass the bill that seeks to restore the monthly pension from the US government to Filipino World War II veterans.

The US Senate in April last year voted overwhelmingly in favor of the bill.

The equity pension bill covers Filipino World War II veterans living in the US and in the Philippines. The measure would benefit 20,000 veterans, with 13,000 of them still in the Philippines.

Fajardo said the President also met with US Senate Appropriations Committee Chair Hawaii Senator Daniel Inouye.

President Arroyo is also scheduled to meet with members of the US-ASEAN Business Council tomorrow before flying back home.
Fajardo said there was no meeting between the President and US President Barack Obama as the said Washington DC event was “purely spiritual.“

Both leaders attended the 59th National Prayer Breakfast meeting.

"There was no meeting. It was not on the agenda since it was a religious event," Fajardo from Washington, this morning said.

Obama left soon after his speech at the annual event because he had to rush to another engagement, Fajardo said.

Fajardo added that the President and the US President may have the chance to meet each other towards the end of the year.

The President and her party are expected back in Manila at 5 a.m. Sunday (Feb. 8), she said.

The National Prayer Breakfast is a yearly event held in Washington, D.C., on the first Thursday of February. This year, the breakfast falls on Feb. 5.

The event -- which has been taking place since 1935 -- actually includes meetings, luncheons, and dinners. It is designed to be a forum for political, social and business leaders of the world to assemble together and build relationships.