Sunday 21 February 2010

PIA Dispatch - Friday, February 19, 2010

El Niño Dispatch

DA mitigation measures kontra El Nino

Kasunod ng direktiba ni PGMA, personal na binisita ni Acting Agriculture Secretary Bernie Fondevilla, pinuno ng Presidential Task Force ng El Nino and mga apektadong lugar sa Nueva Viscaya, Isabela, Quirino at iba pang lalawigan sa Region 2.

Nasaksihan ni Fondevilla ang actual na cloud seeding operation, pamamahagi ng water pumps at mga seeds. Inatasan ni Fondevilla si Regional Executive Director ng Region 2 Andrew Villacorta na madaliin pagkakaloob ng tulong sa mga naapektuhang magsasaka at mangingisda.

Pinaaabot naman ng mga Local Government Units (LGUs) at mga magsasaka ang mga kailangan pa nilang tulong at nagpapasalamat din sila sa suportang ipinagkaloob ni PGMA at ng Department of Agriculture (DA). Kasama ni Fondevilla sa naturang field visita ay  sina Municipal Mayor ng Villaverde Esmenio Badjo, Municipal Mayor ng Bagabag Nestor Sevillena, National Irrigation Administration Chief of Staff Engineer Bonifacio Labiano,  GMA Rice National Program Coordinator Director Frisco Malabanan at kasama na rin ang mga municipal at provincial agriculturists.