Sunday, 3 November 2013

PIA News Dispatch - Sunday, November 3, 2013

Government allocates fund to help OFWs put up businesses as Saudi Arabia's November 3 deadline expires Sunday, Palace says

The Aquino government has allocated P2 billion fund to support Overseas Filipino Workers in Saudi Arabia planning to put up businesses as the Saudi Arabia government’s November 3 deadline against illegal workers expires, Presidential Communications Operations Office Secretary Herminio Coloma Jr. said on Sunday.

"Naglaan po ng dalawang bilyong piso ang Department of Labor and Employment, Development Bank of the Philippines, at Land Bank of the Philippines para sa programang ito na maaaring magamit ng ating mga kababayan sa pagpapatayo ng negosyo," Coloma said in an interview aired over government-run radio station dzRB Radyo ng Bayan.

The government is extending assistance to undocumented OFWs in Saudi Arabia who are undergoing repatriation process, Coloma said.

"Nitong mga nakaraang araw, puspusan po ang pagkilos ng ating pamahalaan upang pangalagaan ang ating mga kababayan na naghahanapbuhay sa Saudi Arabia sa harap ng pagtatapos ng palugit ng Saudization policy ng pamahalaang Saudi," he said.

Coloma said Vice President Binay, concurrent Presidential Adviser on OFW Concerns, had already sent a letter to Saudi King Abdullah Bin Abdulaziz Al Saud to appeal that foreign workers be given another extension to correct their working status in the kingdom.

"Kamakailan lamang lumiham ang pamahalaan, sa pamamagitan ni Pangalawang Pangulo Jejomar Binay na siya ring Presidential Adviser on OFW Concerns kay His Royal Highness King Abdullah bin Abdulaziz Al Saud upang pormal na hilingin ang pagpapalawig ng palugit sa ating mga kababayan upang maisaayos ang kanilang mga papeles at makapag-trabaho nang legal sa naturang bansa," he said.

"Inatasan na rin po ni Secretary Albert del Rosario si DFA Undersecretary Jesus Yabes upang personal na makipagpulong sa mga kinatawan ng pamahalaang Saudi hinggil sa ibayo pang pagpapabilis sa proseso ng repatriation o pagpapabalik sa Pilipinas ng ating mga kababayang apektado ng patakaran," he said.

After the Nov. 3 deadline, the Saudi government is expected to crackdown on illegal foreign workers.

The crackdown against illegal workers started on March 28 because of the kingdom's Saudization policy, or nitaqat, that encourages the employment of Saudi nationals in private firms.
]
Saudi Arabia’s King Abdullah stopped the crackdown against illegal immigrants and foreign workers in April, giving them three months to fix their status.

He deferred the deadline from July 3 to November 3, the end of the Islamic year, in response to requests made by Saudi companies and employers, who reportedly cited the backlog in the processing of documents in certain offices.

The Department of Foreign Affairs reported that 4,371 Filipinos in Saudi Arabia had been repatriated while 9,000 others have been given travel documents, Coloma said.

About 1,500 others have been waiting to be issued immigration clearances, he added.

"Makakaasa po ang buong bayan na patuloy ang pagbibigay ng tulong legal at iba pang necessary assistance ng ating pamahalaan sa ating mga kababayan na apektado ng nasabing patakaran," he said.

"Bukod po sa tulong legal na ipinapaabot sa mga manggagawang ibig pang manatiling maghanapbuhay sa Saudi, meron din pong naka-antabay na tulong pinansyal ang pamahalaan sa ilalim ng reintegration program ng Department of Labor and Employment," he said.

"Sa pagsusuri ng DOLE at DFA, magiging limitado ang epekto ng Saudization dahil nakapaghanda na ang pamahalaan ng mga mekanismo na nagbibigay pagkakataon sa mga Pilipino na makalipat sa ibang kompanya sa Saudi o pumasok sa ibang propesyon, lalo na sa mga trabahong hindi nakalaan o natatangi sa mga mamamayan ng Saudi," he said. PND (js)


Concerned government agencies remain on alert to ensure safety  of people on their way home after 'Undas 2013,' Palace says

Concerned government agencies are continuously monitoring the situation to ensure the safety of people on their way homes after the observance of "Undas 2013," Presidential Communications Operations Office Secretary Herminio Coloma Jr. said on Sunday.

In an interview aired over government-run radio station dzRB Radyo ng Bayan, Coloma said that concerned government agencies remained on heightened alert for the safety and orderly travel of the public following the observance of All Saints' Day and All Souls' Day.

The observance of the Undas 2013 was generally peaceful, Coloma said.

"Samantala, malugod po naming ibinabalita na sa pangkalahatan ay naging maayos at mapayapa ang paggunita sa araw ng Undas. Liban sa isang pampublikong bus na nahulog sa isang bangin sa bayan ng Carranglan, Nueva Ecija noong ika-30 ng Oktubre na ikinasawi ng dalawang pasahero at pagkasugat ng 21 iba pa, walang iba pang hindi kanais-nais na insidente ang naganap sa panahon ng Undas," Coloma said.

"At sa inaasahang pagbabalik sa kani-kanilang mga tahanan ng ating mga mamamayan, muli pong nakaantabay ang mga kawani ng mga pangunahing ahensya tulad ng Philippine National Police, Department of Transportation and Communications, at Metropolitan Manila Development Authority upang tiyaking ligtas ang kanilang magiging pagbiyahe," he said. PND (js)


Commission on Audit wins Bright Spot Award at Open Government Partnership Summit in London, Palace says

The Aquino government expressed elation over reports that the Philippines won the Bright Spot Award at the Open Government Partnership (OGP) Summit held in London, United Kingdom, from October 31 to November 1, Presidential Communications Operations Office Secretary Herminio Coloma Jr. said on Sunday.

"Kapuri-puri po ang pagkamit ng ating Commission on Audit ng Bright Spot Award mula sa katatapos na Open Government Partnership Summit na idinaos sa London, United Kingdom. Ito po ay para sa Citizens’ Participatory Audit o CPA project," Coloma said in an interview aired over government-run radio station dzRB Radyo ng Bayan.

The Citizen Participatory Audit (CPA) Project won the British-led Bright Spot Award that recognizes “the most inspiring examples of how open and accountable government is changing people’s lives. COA Commissioner Heidi Mendoza, Director Aida Ayaso Talavera, and Vivien Suerte Cortez received the award.

"Ang Bright Spots Award po ay nagpapakita kung paano ang mga pamahalaan sa mga OGP countries ay nakikipag-ugnayan sa mga mamamayan para mapahusay ang pamamahala, gumamit ng bagong teknolohiya, palawakin ang kamulatan ng publiko, at pahusayin ang pagtugon ng gobyerno sa pangangailangan ng mga mamamayan," Coloma said.

"Ang Bright Spot Award po ay ibinigay sa kauna-unahang pagkakataon sa OGP Summit at ang Pilipinas po, sa pamamagitan ng CPA or Citizens’ Participatory Audit project ng ating Commission on Audit ang tumanggap ng pinakamataas na bilang ng mga boto mula sa mahigit sa 1,000 kalahok sa summit at ang general public," he said.

The other finalists were from Chile, Estonia, Indonesia, Montenegro, Georgia, and Romania.

"Sa kasalukuyan po merong apat na pilot audit projects under the CPA or Citizens’ Participatory Audit project na kung saan ay lumalahok ang mga mamamayan. Ito po ay ang mga sumusunod: Ang CAMANAVA Flood Control project ng DPWH; ang Department of Education public-private partnership for school building phase one; ang Quezon City solid waste management program; at ang operasyon ng mga barangay health centers sa lungsod ng Marikina City," he said.

“The Philippines is much admired in the OGP Summit. It was one of only six Asian countries invited to the summit. Our delegation consisting of COA Commissioner Heidi Mendoza, DBM Undersecretary Von Moya, and yours truly”—si Secretary Lacierda po—“were resource speakers and panelists in different sessions during the summit," said Coloma quoting the text message of Presidential Spokesperson Edwin Lacierda.

"UK Prime Minister David Cameron cited the Philippines’ good governance programs in his plenary speech, and a speaker from South Africa spoke admiringly of the Philippine government’s performance-based budgeting system. ‘Yan po ang pinadalang balita ni Secretary Edwin Lacierda na lumahok po sa Open Government Partnership Summit sa London, UK," Coloma said. PND (js)


President Aquino open to holding dialogue with groups opposed to DAP, Palace says

President Benigno S. Aquino is open to holding a dialogue with groups who are still contesting the administration’s Disbursement Acceleration Program (DAP) despite his frequent explanations on the matter these past few weeks, MalacaƱang said.

In an interview over government-run radio station dzRB Radyo ng Bayan Sunday, Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Herminio Coloma, Jr. said the President is willing to take suggestions from concerned citizens anytime to address their issues on DAP as he had already manifested in his televised speech last week.

“Bukas po ang Pangulo na makipag-diyalogo sa ating mga mamamayan. Ang pagtatalumpati niya on nationwide television at iba pang mga broadcast facilities ay pagpapakita ng kanyang pagiging bukas at ng kanyang kahandaan sa pakikipag-diyalogo at pakikipag-ugnayan sa ating mga kababayan. Siya po ay handang tumanggap ng kanilang mga suhestiyon at sa lahat ng pagkakataon po ay nais niyang malaman ang saloobin ng mga mamamayan,” Coloma stated.

Coloma, meanwhile, reiterated the Aquino administration’s commitment to prosecute those involved in the Priority Development Assistance Fund (PDAF) or ‘pork barrel’ scam even without the so-called ‘100-day deadline’ being imposed by some sectors.

He said Secretary Leila de Lima of the Department of Justice is already preparing the necessary documents for the second complaint or information to be filed against the concerned individuals in the PDAF scam before the Office of the Ombudsman soon.

Even public officials who are allied with the administration would not be spared from the process, Coloma said, as President Aquino specifically instructed all agencies tasked to investigate the case to “let the evidence point to the direction of the inquiry.”

“Ang pinagbabatayan po ng pagsasampa ng kaso at ng impormasyon o ng complaint ay kung ano po ang isinasaad na ebidensya. At ang konsepto po ng katarungan dito po sa administrasyong Aquino ay ‘yun pong nakikita nating nakapiring na lady justice. Wala po itong sini-sino, wala po itong kinikilala kung ano man ang political affiliation, ano man ang posisyon o estado sa lipunan. Kinakailangan po ay pantay-pantay at patas ang paggawad ng hustisya,” Coloma stated.

Coloma assured that the Aquino administration will provide “equal application of the law” and will handle this matter with utmost impartiality.

“Sa lahat po ng ginagawa at isasagawa, ito po ang konsiderasyon natin: Ang equal application of the law at ‘yun pong kawalan ng diskriminasyon. Kinakailangan po ay maging batay sa ebidensya, batay sa katotohanan, katuwiran, at katarungan,” Coloma said. PND (hdc)


Government asks group to reconsider demand for tax holiday, Palace says

The Aquino government called on business, civil society and workers groups to reconsider their position for a three-month tax holiday following the alleged misuse of the Priority Development Assistance Fund, Presidential Communications Operations Office Secretary Herminio Coloma Jr. said on Sunday.

In an interview aired over government-run radio station dzRB Radyo ng Bayan, Coloma issued the statement after various groups joined the “Million People March” advocates to demand for a three-month tax holiday not only to business firms but also to ordinary workers due to pork barrel controversy.

"Kailangan po sigurong pag-aralan nila nang husto dahil hindi po ito magiging kapaki-pakinabang at ang masasaktan po rito ay ang mga mamamayan ng ating bansa, lalong-lalo na po ‘yung mga dumaranas pa ng kahirapan na siyang recipients or beneficiaries ng malalaking pondo mula sa gobyerno na nanggaling din po sa taxpayers’ contribution," Coloma said

"Siguro po dapat pag-isipan mabuti ng mga nagpapanukala ang idea na ito. Unang-una po, ang buwis po ang lifeblood ng ating economy. Ito pong ating gastusin sa national budget, ang malaking porsyento po nito ay pinopondohan ng mga buwis na binabayad ng mga mamamayan, Coloma stressed.

The tax system in the Philippines appears to be sound, said Coloma, adding that the current system serves to encourage even greater interest and investments in our country.

"Ang pangalawa pong konsiderasyon ay ito: Ang Pilipinas po ay meron nang isa sa mababang antas ng taxation as a percentage of GDP. Kung ihahambing sa kabuuan ng ating gross domestic product, maihahanay tayo doon sa mga bansang mababa ang porsyento o bahagdan ng GDP na accounted for by income taxes," Coloma said.

"Kaya mas mainam siguro na mapataas pa natin ang income tax collection ng ating bansa, kung gusto po talaga nating mapahusay ang takbo ng ating ekonomiya," he said.

Coloma said the Aquino government remains committed to uphold its good governance agenda. He said sound fiscal management and integrity-based leadership has led to a resurgent economy in the face of uncertainties in the global arena.

"Isa pa po, dahil sa mahusay na fiscal management ng ating pamahalaan at sa ating tinatawag na sound macroeconomic fundamentals ay nabigyan tayo ng investment grade rating. Ang investment grade rating ay parang seal of good housekeeping para sa Pilipinas," he said.

"At kasama na po sa mga factors involved diyan ang pag-reduce ng budget deficient and, in turn, the reduction of the budget deficit ay dahil sa napataas ng Bureau of Internal Revenue at ng Bureau of Customs, at ng iba pang mga ahensya ng pamahalaan ang ating revenue-generating effort. Kaya dapat po tingnan natin ito sa pangkalahatang perspektibo," Coloma said.


"Sa kabuuan naman po masasabi natin na ang mga taxpayers’ money ay nagagamit para sa mga kapaki-pakinabang na mga proyekto. Nagamit po ito sa imprastraktura, nagamit po ito sa school building projects, nagamit sa pagsasagawa ng mga social amelioration and poverty reduction programs, at marami pa pong mga programa," he said. PND (js)