Friday, 9 May 2014

PIA News Dispatch - Sunday, April 20, 2014

President Benigno S. Aquino III's Easter Message

Kaisa ang sambayanang pilipino, ipinagdiriwang natin ang muling pagkabuhay ni Hesukristo matapos niyang tubusin ang kasalanan ng sanlibutan. Sagisag po ito: sakripisyo at wagas na pagmamahalang bukal ng buhay na walang hanggan.

Sa pagbangon ng panginoon mula sa kamatayan, muling natanglawan ng
liwanag ang sangkatauhan. Marami ang namangha at higit na tumibay ang pananampalataya.

Gayumpaman, may ilang gaya ni Tomas, ang apostol na hindi naiwaksi ang duda mula sa kanyang puso. Ayon nga po sa aklat ni Juan, Kabanata 20, Bersikulo 29, nang magpakita si Hesus sa kanyang mga apostol; sinabi niya kay Tomas: "dahil nakita mo na ako, naniwala ka na? Pinagpala ang mga naniniwala kahit hindi nila ako nakita."

Gaya po ng landas na piniling tahakin ni Hesukristo, nanindigan at muling bumangon ang ating bayan mula sa malubhang katiwalian at kahirapan. Naibalik na rin ang tiwala ng taumbayan sa pamahalaan. may piring na muli ang katarungan: napaparusahan ang nagkakasala, mayaman man o makapangyarihan.

Patuloy ang paglago ng ekonomiya; patuloy ang paglawak ng saklaw ng ating mga serbisyong panlipunan. Kabilang rito ang milyun-milyong benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino, programa ng mga kababayan nating nakikinabang sa Philhealth; at ang libo-libong scholars ng Tesda na hindi lamang naka-graduate, kundi nakakahanap din ng trabaho. Halimbawa po nito ang 91 porsiyento ng tesda graduates sa larangan ng semiconductor at electronics, mula Oktubre 2012 hanggang Disyembre 2013, na agad ay nagkatrabaho.

Tinitiyak po nating nabibigyan ng de-kalidad na edukasyon ang ating mga estudyante. Nabura na po natin ang nadatnan nating kakulangan sa upuan, libro, at silid-aralan.

Gayundin, nakatutok na tayo sa kapakanan ng ating mga pulis, sundalo, at informal settlers. Ngayon, may mauuwian na silang disente, ligtas, at abot-kayang tahanan.

Kamakailan lang din po, nilagdaan natin ang Comprehensive Agreement on the Bangsamoro sa pagitan ng inyong gobyerno at ng Moro Islamic Liberation Front (MILF). Sa kasunduang ito na pinanday ng tapat at maayos na ugnayan, abot-kamay na ang mapayapang Mindanao na magbubukal ng patas at malawakang oportunidad para sa bawat Lumad, Muslim, at Kristiyano. Naisumite na rin po ng ating Transition Commission, at isusumite sa kongreso ang panukalang batas sa Bangsamoro.

Ilan lang po ito sa mabubuting balita ng pagbangon ng ating bayan. nagpapasalamat po tayo sa mga naniwala, at patuloy na naniniwala,gayundin sa mga nagduda noong una, at ngayon aynakiki-ambag na sa ating mabuting agenda.

Asahan po ninyo: sa nalalabing mga taon ng ating termino, lalo pa nating patitibayin ang mga institusyon. Lalo pang dadami ang mga tiwaling mananagot, lalo pang aarangkada ang ating ekonomiya, lalo pang iigting ang ating mga serbisyo, at lalo pang aangat ang antas ng pamumuhay ng ating mga kababayan.

Tandaan po natin: dumaan si Hesukristo sa marami at matinding kalbaryo. Sa halip na sumuko, tinanggap niya ito nang buong-buo, para mabigyan tayo ng oportunidad na makamtan ang buhay na walang hanggan. Ito naman ang hamon sa atin bilang kaniyang mga tagasunod: bigyang-halaga natin ang pagkakataong kaloob niya upang maiwaksi ang kasamaan at marating ang kaharian ng Diyos. Sa harap ng mga pagsubok, paghihirap o ginhawa, nawa’y lagi nating isabuhay ang kanyang mga dakilang aral — ang paggawa ng tama, pagmamahal, at paglingap sa kapwa.

Malinaw po: dahil sa ating pagdadamayan, lumiliwanag na ang kinabukasan ng ating bansa. Bilang inyong pinuno, may hangganan po ang ating termino at serbisyo. Tungkulin po nating ipagpatuloy ang ating magandang nasimulan, at gawing permanente ang tinatamasang transpormasyon ng ating lipunan. nais po nating maipadama sa mas nakakarami: narito man po tayo o nakababa na sa puwesto, mananatili at dadami pa ang mga oportunidad para sa ating mga kababayan. Lubusin natin ang mga pagkakataong ito, nasa kamay po natin ang susi ng ganap na pag-asenso.

Tiyak pong sa ating malasakit sa isa’t isa, at sa patnubay ng panginoon, mararating natin ang katuparan ng ating mga panalangin at mithiin.

Isang ligtas, payapa, at maligayang pagdiriwang ng Pasko ng Pagkabuhay sa ating lahat.


Palace calls on all passengers of Etihad Airlines flight EY0424 to get tested for MERS-CoV

MalacaƱang reiterated on Sunday the Department of Health’s (DOH) appeal to have everyone onboard the April 15 Etihad Airways flight EY0424 get tested for Middle East Respiratory Syndrome coronavirus (MERS-CoV).

Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Herminio Coloma, Jr. said over 200 passengers, who traveled from Abu Dhabi with the Filipino nurse that tested positive for MERS-CoV, were yet to be contacted by the DOH.

“Todo tutok ang iniutos ng Pangulo na tiyaking lahat ng mga naturang pasahero ay sumailalim sa testing dahil ang MERS coronavirus ay maaaring makahawa sa malapitang contact,” Coloma said over Radyo ng Bayan.

Coloma said the appeal was being made as a precaution in which all EY0424 passengers would be asked to undergo a simple nose and throat swab for free at the nearest government hospital.

“Sa pamamagitan nito, may mabilis na paraan ng pagtiyak kung sila nga ay apektado at nangangailangan ng paggamot. Mabilis ding malalaman kung sila ay hindi apektado, sa loob lamang ng kalahating araw,” Coloma said.

The passengers may contact the DOH through the following numbers anytime: 711-1001; 711-1002; 0922-884-1564; 0920-949-8419; and 0915-772-5621.

At least one Filipino already died of the disease on April 10, as confirmed by authorities, while five others who were reportedly affected remain in quarantine as a precaution.

The government has not issued a travel ban to Middle East countries, as there is no MERS-CoV outbreak yet, but advised all Filipinos traveling to and from those areas to avoid contact with persons showing influenza-like illness and to observe frequent hand washing.

Those returning from the Middle East who become ill within two weeks upon arrival are also advised to delay visits to crowded places and seek immediate medical attention. PND (hdc)


Palace leaves to DOJ: Possibility of having Gigi Reyes as state witness

Malacanang is leaving it to the Department of Justice (DOJ) to study the possibility of having Jessica “Gigi” Reyes as state witness against those involved in the multibillion-peso pork barrel scam.

Presidential Communication Operations Office Secretary Herminio Coloma, Jr., told reporters in a press briefing aired Sunday over radio station dzRB Radyo ng Bayan.

“Ang Department of Justice po ang mayroong tungkulin na patuloy na pag-aralan at alamin kung anong mga ebidensya o katibayan ang nararapat na makatulong sa pagsulong ng mga kasong iniharap sa Office of the Ombudsman,” said Coloma in response to the question if Malacanang is open to having Reyes as a state witness.

Reyes returned to Manila on board Philippine Airlines flight PR 105 from San Francisco International Airport on 19 April 2014.

She was implicated in the pork barrel scam as the alleged bagman of Senator Juan Ponce Enrile. Reyes was the former Chief of Staff of Senator Enrile.

Enrile along with Senators Jinggoy Estrada and Ramon “Bong” Revilla, Jr., were accused of having involvement in the multibillion-peso pork barrel scam for alleged having kickbacks and conniving with business woman Janet Lim-Napoles.

On April 1, 2014, the Office of the Ombudsman found probable cause to indict the three Senators and Mrs. Napoles along with several others in connection with the pork barrel scam.

The cases arose from the expose of whistleblower Benhur Luy who said a large amount of the Priority Development Assistance Fund of the three Senators were used by alleged dummy Non-Government Organizations for purported ghost projects in a scheme supposedly masterminded by Mrs. Napoles. PND (ag)


No need for traffic czar, Says Palace

Malacanang said Sunday that there is no need for President Benigno S. Aquino III to appoint a traffic czar.

“Kuntento ang Pangulo sa isinasagawa ng ating kapulisan, ng ating mga lokal na pamahalaan, at ng Metro Manila Development Authority,” said Presidential Communication Operations Office Secretary Herminio Coloma, Jr., during a press briefing aired Sunday over radio station dzRB Radyo ng Bayan.

When asked if there is a need for a point person to ease the traffic situation in Metro Manila, Coloma said “Wala po siyang (Pangulo) balak hinggil diyan, sa aking pagkaaalam.”

Coloma took the opportunity to apologize to the public for the current traffic condition.


“Kaunting sakripisyo lang po ang kinakailangan para makatikim na tayo ng mas malaking benepisyo. Mahalaga rin kasi ang pagpapalawak, pagpapalapad, pagpapatibay sa ating mga pambansang kalsada at pambansang highway. Madali pong maunawaan kung bakit nagta-traffic dahil sa dami na rin ng bumibiyahe.” Coloma said. PND (ag)