President Aquino leads National Heroes Day
celebration
President Benigno S. Aquino III on Monday paid
tribute to the country’s past and modern-day heroes as he led the nation in
commemorating National Heroes Day at the Libingan ng mga Bayani in Taguig City.
In his speech, President Aquino urged each
Filipino citizen to emulate the noble deeds of our heroes. He also lauded the
country's modern-day heroes who choose to empower their fellowmen instead of
spreading negativism.
President Aquino cited in particular some of the
Filipinos in Fukushima who displayed optimism and strong faith despite the
strong earthquake that devastated Japan in 2011.
He also acknowledged the heroism of Noli Dela
Cruz, a non-uniformed personnel, who saved 36 people during the onslaught of
Typhoon Yolanda (Haiyan) in November last year.
“Sa dalawang halimbawang ito, kahanga-hanga ang
ipinakitang kakayahan ng Pilipino na maging tanglaw sa panahon ng kadiliman.
Imbes na magbato ng batikos o magpakalat ng negatibismo gaya ng nakakasanayan
ng iilan ngayon, pinili nilang maging lakas para sa kanilang kapwa,” he said.
He also extolled ordinary Filipinos, like
teachers and soldiers, for their contribution to nation building. “Nariyan ang
bawat mamamayang nagsisikap na paunlarin ang sarili, upang maging
kapaki-pakinabang na miyembro ng lipunan,” he said.
“Sa ngalan ng sambayanang Pilipino, maraming
salamat po sa inyong lahat. Kayo po ang patunay na ang lahing Pilipino ay tunay
ngang lahi ng mga bayani,” he added.
President Aquino, however, said that there are
still few who remain determined to bring back the old system.
“Ito po ang laban natin ngayon: ang maging
mapagmatyag sa mga naghahasik ng pagdududa at kasinungalingan; ang huwag maging
kasangkapan ng mga nagpapanggap na tagapagsulong ng reporma; ang magwaksi ng
baluktot at manindigan sa kung ano ang matuwid,” he said.
President Aquino mentioned an article written by
Ma. Francesca Santiago, a 13-year-old student from Bacolod.
“Sabi pa niya, sa harap ng mga hamong dumarating
sa ating bansa, imbes na maging bukas ang isip at hanapin ang katotohanan, mas
pinipili ng iba na magpakalat ng mga bintang na walang basehan; sa halip na
tumulong sa paghahanap ng solusyon, may ilang mas gusto pang palalain ang takot
at pagdurusang dinaranas ng ating mga kababayan,” he said.
“Malinaw sa kanya: may karapatan ang lahat na
magpahayag ng kanilang saloobin, subalit may obligasyon din ang bawat isa na
maging makatuwiran,” the President said.
“Kahanga-hanga na mas mapanuri pa siya kaysa sa
ilang mas nakatatanda sa kanya. Kung ganito ang kalibre ng pag-iisip ng ating
mga kabataan ngayon, tiyak na magiging mas maliwanag ang atin pong
kinabukasan,” he added.
President Aquino also said that the country has
already been reaping the fruits of reforms that his administration has
instituted since 2010. Thus, the President urged the Filipinos not to waste
this opportunity.
“Mahigit apat na taon na nating tinatahak ang
tuwid na landas. Nagbubunga na ang mga ipinunla nating binhi ng pagbabago, at
nagiging desperado na ang mga mapagsamantala. Huwag po sana nating sayangin
ito,” the President said.
“Ito po ang tanging paraan natin ng pagtanaw ng
utang na loob sa mga bayaning nagsakripisyo upang makarating tayo sa ating
kinalalagyan ngayon. Ito po ang tanging paraan upang masiguro nating kapag
nagdiwang ng Pambansang Araw ng mga Bayani ang mga susunod na henerasyon,
aalalahanin, pasasalamatan, at pagmumuni-munihan nila ang panahong ito, at
kanilang sasabihin: Ito ang panahong sama-samang nagpasya ang mga Pilipino na
maging bayani,” he added.
The theme for this year’s celebration is
“Bayaning Pilipino: Lumalaban para sa Makatwiran at Makabuluhang Pagbabago.”
PND (co)