Tuesday, 1 January 2013

PIA News Dispatch - Monday, December 31, 2012


President Aquino calls on Filipinos to continue spirit of 'bayanihan'

President Benigno S. Aquino III called on Filipinos to continue fostering the spirit of “bayanihan” (cooperation) in order for the advancements achieved by the government to improve the image of the Philippines as the former “Sick Man of Asia” into the revitalized tiger it is today, will carry over into 2013 and the succeeding New Years.

In his New Year’s message delivered on Monday, December 31, the President said that only after two and a half years in Office, his Administration was able to achieve historic feats such as building lasting peace through the signing of a Framework Agreement with the MILF, attaining rice sufficiency by plugging leaks and properly managing rice production in the agriculture sector, bridging the classroom gap, alleviating poverty by investing in social and infrastructure endeavors, bringing electricity to far-flung sitios and improving the economy which has now grown 7.1 percent to be the best performer in Asia.

He added that by implementing reforms in the judiciary and improving the country’s ability to respond to natural calamities, the Philippines has shown to the entire world the readiness of Filipinos to sacrifice and dedicate his entire self to achieve his dreams and ambitions.

Below is the complete text of President Benigno S. Aquino III’s New Year message:

Kay bilis po talaga ng panahon: Ito na po ang ikatlong bagong taon na ipagdiriwang ng sambayanan sa tuwid na daan. At hindi po maikakaila na sinasalubong natin ang bawat pagpapalit ng taon nang may matibay na pag-asa at kompiyansang mas magiging makabuluhan, at higit na makahulugan ang mga susunod pang taon sa landas ng tapat at mabuting pamamahala.

Kung dati, milyun-milyong tonelada ng bigas ang nabubulok sa mga warehouse dahil sa maling pamamalakad, ngayon, dahil sa tamang pamamahala, hindi na lamang rice self-sufficiency, kundi ang pag-e-export ng matataas na klase ng bigas ang habol natin pagdating ng 2013.

Ang minana natin mula sa ating sinundan ---66, 800 na kakulangan sa silid aralan. Ang pamana ng tuwid na landas sa mga kabataan---sapat na classroom, sapat na mesa’t upuan, sapat na aklat, para sa kanilang mas mayamang kinabukasan.

Matagal rin po tayong binansagang “Sick Man of Asia.” Subalit dahil sa pambihirang arangkada ng ating ekonomiya, sunud-sunod ang mga namumuhunan sa ating bansa. At mukhang magpapatuloy ang ganitong kompiyansa ng mundo sa atin ---ang 7.1 percent na pag-angat ng GDP nitong 3rd quarter, ay higit sa inaasahang target ng mga dalubhasa, at siyang pinakamataas sa buong Timog Silangang Asya.

Hindi lang po rito nagtatapos ang pagbuhos ng mabubuting balita, tagumpay at biyaya sa bansa. Mula sa patuloy na pag-angat ng all time high ng Philippine Stock Exchange, hanggang sa pagpapanday ng pangmatagalang kapayapaan sa Bangsamoro; mula sa pagliwanag ng libu-libong mga sitio, hanggang sa pagkakapasa ng ilang makasaysayang batas; mula sa pagpapantay sa timbangan ng katarungan hanggang sa kahandaan at bayanihan ng sambayanan sa harap ng mga pagsusungit ng kalikasan, pinapatunayan natin sa buong mundo ---basta’t handa tayong gawin ang tama’t magsakripisyo para sa ating kapwa, basta’t sumasagwan tayo nang sabay sa ngalan ng sambayanan, walang pangarap na hindi kayang abutin ang ating bansa.

Simula lamang po ito. Sa totoo lang po, ang kaisa-isang limitasyon sa tayog ng ating mararating ay ang ating ambisyon. Nasa pagtutulungan at tiwala natin sa isa’t isa ang susi ng tagumpay. Ang 2013 ay kritikal na yugto sa ating krusada ng pangmatagalang kaunlaran at tuwid na pamamahala. Ngayong bagong taon, mas maigting na pagkakaisa ang kailangan. Umaasa akong magiging mapanuri ang taumbayan sa pagkilatis ng mga itatalagang pinuno.

Ang mga pinunong ito ang tutugon sa panawagan nating isulong ang dangal at katapatan sa paglilingkod-bayan. Ang mga pinunong ito ang aasahan nating didilig sa mga repormang ating ipinunla.

Kaya naman mahalaga ang ating paninindigan at pagtitimbang kung saang direksyon tutungo ang ating bansa. Sabay-sabay ba tayong sasagwan patungo sa landas kung saan nangingibabaw ang kapakanan ng Pilipino, o hahayaan lang natin na muling matangay ang Pilipinas sa mga daluyong ng panlalamang, pagkakanya-kanya’t kurapsyon?

Ang aking hiling ngayong 2013 ---ituloy lang natin ang bayanihan. Kapit-bisig tayong humakbang tungo sa maliwanag at masaganang kinabukasan ng ating bayan.

Muli po, kasama po ninyo akong umaasa na ang ating bagong taon ay di hamak na mas maganda sa nakalipas na taon. PND (rck)


Malacanang urges New Year revelers to observe safety measures; appeals to public to keep environment clean while celebrating

 The Aquino administration appealed to the public to keep the environment clean during the New Year revelry, a Palace official said.

 Presidential Spokesperson Edwin Lacierda appealed to the revelers during the regular briefing in Malacanang on Monday to immediately clean their respective surroundings, as well as streets and public parks.

 "Pakiusap sa mga dadalaw sa ating mga public parks na sundin po ang mga batas doon, sundin ang mga regulasyon. Huwag pong magtapon ng basura kahit saan; huwag pong mag-iwan ng basura kahit saan. Itapon po natin sa mga nakatalagang lugar ang mga basura," Lacierda said.

 "So ‘yon lang po ang ating hinihingi sa publiko... let’s celebrate the New Year in peace, and also in safety, with consciousness of keeping the environment clean," he noted.

 The government reiterated its appeal to the public to refrain from using dangerous firecrackers and pyrotechnics to prevent injuries and loss of lives, Lacierda continued.

 Lacierda called on the public to be vigilant in preventing fireworks-related injuries this year.

 The campaign against the dangerous firecrackers also aims to avoid or minimize adverse effects of firecrackers to the environment.

"Isa rin pong pakiusap... Itong New Year, maliban lang po sa firecracker accidents, I’m sure marami po diyang mag-i-inuman at baka marami rin sa kanila ang maglalasing. Kaya ‘yung mga maglalasing, please, huwag na ho kayong mag-drive," he said. PND (js)